Pumalo na sa 226 na mga bata ang tinamaan ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) sa Borongan City, Eastern Samar.
43 umano na mga barangay ang may naiulat na kaso ng HFMD.
Karamihan pa umano sa mga batang may sakit ay lalaki at may edad na hindi lalagpas sa 10.
Noong Enero 2023 umano napansin ang pagkalat ng nasabing sakit sa isang barangay.
Pinayuhan naman ang mga magulang ng may sakit na bata na magsuot ng mask at maghugas ng kamay upang makaiwas sa sakit.
(CS)
The post Kaso ng HFMD sa Borongan City tumaas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento