Magbibigay ng libreng sakay ang mga Metro Manila mayor sa mga maaapektuhan ng tigil-pasada simula Lunes, Marso 6.

Inanunsyo ng iba’t ibang transport group ang tigil-pasada upang palagan ang PUV modernization program.

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora na nagpulong ang mga alkalde at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Napagkasunduan ng NCR LGUs ang pag-deploy ng mga government vehicle para sa libreng sakay.

Magde-deploy naman ang MMDA ng mga bus para sa mga stranded na pasahero.

Posible rin umanong suspendihin ng ahensya ang number coding depende sa epekto ng isang linggong transport strike simula Marso 6.

The post Libreng sakay kinasa sa Metro Manila vs 1 linggong tigil-pasada first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT