Doble ng pinapayagang dami ng salt intake ang kinokonsumo ng mga Pilipino kada araw, isa sa mga sanhi kung bakit marami ang may cardiovascular disease sa bansa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang inirerekomendang sodium intake sa isang adult kada araw ay 2,000 milligram (mg).
Pero batay sa pag-aaral ng WHO noong Oktubre 2022, ang average na sodium intake ng mga Pilipino ay 4,113 mg o mahigit doble ng pinapayagan.
Ang mataas na sodium intake, ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes ay iniuugnay sa mataas na bilang ng mga Pilipino na mayroong high blood pressure.
Tatlumpu’t limang porsyento naman ng mga namamatay ay sanhi ng cardiovascular disease gaya ng sakit sa puso at stroke.
“Reducing our salt intake will not only improve our health but also lower the risk of high blood pressure, heart disease, stroke, and premature death,” sabi ni Reyes. “Lasting and meaningful change always starts from within. We urge our kababayans to put less salt to the food they prepare and buy foods that contain less sodium.”
Patuloy umanong itutulak ni Reyes sa Kongreso ang pagpasa ng mga panukala para sa mga polisiya na makapagpapaganda sa kalusugan ng mga Pilipino.
Kasama umano sa mga panukalang ito ang libreng medical check-up para sa lahat at pag-alis ng value added tax sa mga maintenance medicine. (Billy Begas)
The post Maraming Pinoy nagkakasakit sa sobrang asin first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento