Idineklara ng MalacaƱang ang March 16, 2023 bilang special -non working day sa buong lalawigan ng Negros Oriental bilang paraan ng pagluluksa at pag-alala kay Governor Roel Degamo.
Si Degamo ay ihahatid sa kaniyang huling hantungan ngayong Huwebes.
Batay sa Proclamation no. 185 na inilabas ng MalacaƱang, ang pagdedeklara ng special non-working day ay upang mabigyang pagkakataon ang mga mamamayan ng Negros Oriental na magbigay ng kanilang huling respeto at makipaglibing sa pinatay na gobernador.
“It is only fitting to give the people of Negros Oriental the opportunity to show respect and join the internement of Degamo,” anang proklamasyon na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Matatandaang pinagbabaril at napatay si Degamo noong March 4 matapos pasukin ng mga armadong suspects ang kaniyang bahay sa bayan ng Pamplona at nadamay ang walong iba pa.
Tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi titigil ang kaniyang gobyerno hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Degamo. (Aileen Taliping)
The post March 16, 2023 idineklarang special non-working day sa Negros Oriental first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento