Tinatayang nasa 1,573 ang nakapasa sa March 2023 physicians licensure examination.

Ginanap ang nasabing exam sa mga lugar ng Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Mula naman sa Mariano Marcos State University – Batac ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa exam, si Aira Cassandra Suguitan Castro ay may naitalang 89 porsyento sa nasabing exam.

Samantala, top performing school naman ang University of Santo Tomas, ito ay mayroong 83.61 na passing percentage.

(CS)

The post Mariano Marcos University namayagpag sa 2023 physician licensure examination first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT