Sinabi ni General Luna Mayor Matt Florido na marami pa sa mga manggagawa sa kanilang lugar ang pupunta sa Korea upang magtrabaho roon.

Sa kanyang Facebook post, sinabi niya na pinirmahan ni Sunchang-gun Mayor Youngil Choi ang isang memorandum ng kasunduan may kaugnay dito.

“Thank you very much Sir DK Lee! Bitbit ko ang magandang balita na pormal nang nilagdaan ni Sunchang-gun Mayor Youngil Choi ng Korea ang Memorandum of Agreement para sa ating Seasonal Farmers Programm” ani Florido.

Sa ilalim ng programa na ito, ang mga residente ay pupunta sa Korea upang gumawa sa kabukiran.

(Jan Terence)

The post Mayor sa Korea pumirma ng kasunduan na kukuha ng mga manggagawa sa General Luna first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT