Ni-raid ng Philippine National Police (PNP) ang mga bahay ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa Negros Oriental, ito ay kinumpirma ni PNP public information office acting chief Police Colonel Redrico Maranan.

Matatandaang sa isang video ng Negros Times, ibinunyag ng isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Teves umano ang nag-order para paslangin si Degamo.

Dagdag pa ng suspek, hindi raw nila alam na si Degamo ang target nila.

Kamakailan lang ay tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hustisya sa pamilya ni Degamo.

“Nandiyan ‘yung mga ibang kamag-anak at asawa ng mga namatay kaya’t nakausap din natin. Sinabi ko lang sa kanila na makakaasa sila na magkakaroon ng hustisya dito sa inyong probinsiya na naging masyadong magulo na,” saad ng Pangulo.

(CS)

The post Mga bahay ni Arnie Teves sa Negros Oriental, ni-raid ng PNP first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT