Maaari ng lumangoy ang mga bebot sa Berlin kahit sila ay naka-topless.
Noong Disyembre 2022, isang bebot ang naghain ng reklamo sa city’s ombudsman’s office sa Senate Department for Justice, Diversity and Anti-Discrimination, ito ay sa kadahilanang hindi umano siya pinapasok sa isang pool sa nasabing lugar dahil walang takip ang kaniyang kinakaharap.
Dito na napagdesisyunan ng mga awtoridad na biktima ng diskriminasyon ang bebot at nito lamang nakaraan ay inanunsyo na pinapayagan na ang lahat ng bumibisita sa mga pool sa Berlin na mag-topless.
“The ombudsman very much welcomes the decision of the bathing establishments because it creates equal rights for all Berliners, whether male, female or non-binary and because it also creates legal certainty for the staff in the bathing establishments,” ayon kay head of the ombudsman’s office, Dr. Doris Liebscher.
(CS)
The post Mga bebot sa Berlin maaari ng lumangoy kahit naka-topless first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento