Dapat umanong kumilos ang mga ahensya ng gobyerno ngayong Ramadan upang mabigyan ng clemency ang mga Pilipino na nakakulong sa mga Muslim country lalo na ang mga nasa death row.
Ayon kay House Committee on Overseas Workers Affairs chairperson at Kabayan Rep. Ron Salo may mga bansa na nagbibigay ng clemency o pardon kapag panahon ng Ramadan kaya dapat kumilos ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) at mga embahada ng gobyerno para matulungan ang mga nakakulong na Pilipino.
“Ramadan, which begins on March 22, is a time of mercy and compassion. It is an opportune time for Muslim majority countries to exercise these virtues by showing leniency to Filipinos who are incarcerated,” sabi ni Salo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 83 overseas Filipino na nasa death row– 56 ang nasa Malaysia; 6 sa United Arab Emirates; 5 sa Saudi Arabia; isa sa Indonesia, at 15 sa iba pang bansa gaya ng Bangladesh, China, Vietnam, USA, Japan, at Brunei.
Mayroong kabuuang 1,267 overseas Filipino na nakakulong sa abroad—914 sa mga ito ay nasa Middle Eastern country, 321 sa Asia Pacific; 23 sa Europe; 5 sa America, at 4 sa Africa.
Sa mga nagdaang taon, sinabi ni Salo na binigyan ng clemency ng Saudi Arabia at Yemen ang ilan sa mga nahatulan ng kamatayan o nakakulong sa kanilang bans.
“We have to exhaust all means to save the lives and reclaim the liberties of our overseas Filipinos. Let us appeal to the merciful hearts of our Muslim brothers and sisters in this holy month of fasting,” dagdag pa ni Salo.
Noong 2018, ang Emir ng Qatar ay nagbigay ng royal pardon sa 25 Pilipino na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa huling araw ng Ramadan.
“Thus, I am urging our Philippine embassies, with the possible assistance of the NCMF, to act swiftly and intercede in behalf of our Kabayans who are in jail,” sabi ni Salo. “Our embassies must work closely with local authorities and the families of our overseas Filipinos to gather all necessary information to support their appeals for clemency.” (Billy Begas)
The post Mga nahatulang Pinoy sa Muslim countries iapela ngayong Ramadan – solon first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento