Ilang netizens ang naalarma matapos kumalat ang ilang pangyayari kung saan hinahablot umano ang ilang photocards.

Ayon sa ilang larawan na ibinahagi ng isang netizen, nahablot umano sa MRT Cubao ang kaniyang “Sunghoon engenezone”.

Makikita pa sa larawan na isang lalaki umano ang humablot.

“i think mali na rineveal sa kmjs yung halaga ng mga pcs, kasi look what happened yung lalaki pala na nanghablot is nasa 30s to 40s na, siguro isa to sa nakanood ng kmjs. syempre iisipin na niya mahal yung pc na hinablot niya kay ate this is very alarming” saad nito sa caption.

May hirit naman ang ilang netizens sa nasabing post.

“True kaya I don’t want to bring my PCs anymore”

“tapos sasabihin ng iba hindi kasalanan ng @KM_Jessica_Soho yung pagreveal ng presyo ng PC. kesyo docu eme eme yung segment.”

“hays @KM_Jessica_Soho look what happened so wrong kasi na ni reveal ung price tingnan mo naging target na ng mga kawatan and also baka next time ung parcel na ung pagdiskitahan”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang isang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) kung saan naipalabas ang isang dalagita na sobrang nahumaling sa K-pop merchandise at umabot sa milyon-milyon ang nagastos.

(CS)

The post Nagkakanakawan na? Netizens pinuntirya ang ‘KMJS’ sa nangyayaring hablutan ng photocard first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT