Hindi nakapasok sa top 100 list ng 2023 World Airport Survey ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ito ay ayon sa 2023 World Airport Awards na ginawa ng Skytrax.
Kahit sa Asia, hindi rin nakasingit ang NAIA sa top 10.
Tinagurian naman bilang best airport sa buong mundo ang Changi Airport sa Singapore, sinundan ito ng Doha’s Hamad International Airport.
Ito na ang ika-12 beses na tinanghal ang Changi Airport bilang best airport. Bukod sa best airport ang Changi, kasali rin ito sa top 10 cleanest airports sa Asia.
Nasa ikatlo at ika-apat na pwesto naman ang Tokyo Haneda at Seoul Incheon.
(CS)
The post NAIA dehins nakasingit sa top 100 list ng 2023 World Airport Survey first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento