Patuloy na umaakyat ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring landslide sa Indonesia. Pumalo na sa 32 na katao ang naitalang namatay sa nasabing lindol.

Nangyari ang lindol sa lugar ng Natuna islands.

Nagtalaga naman na ang mga awtoridad ng 700 na rescuers, kabilang na ang mga pulis at militar upang mahanap pa ang 22 na katao na patuloy pa rin na nawawala matapos ma-trap sa kanilang tahanan.

Dumating naman na sa nasabing lugar ang dalawang helicopters at ilang vessels na may sakay na rescuers, medical teams at relief supplies, kabilang na ang tents, blankets at pagkain.

Pinangangambahan naman ng mga awtoridad na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring landslide.

(CS)

The post Nasawi sa landslide sa Indonesia, pumalo na sa 32 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT