Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos na pagbabarilin ng isang grupo ng kalalakihan na nakasuot ng pixelized uniform na sumugod sa loob ng kanilang bahay, Sabado ng umaga sa Barangay San Isidro, Sto Nuebe, Pamplona, Negros Oriental.

Base sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office 7, dakong alas-9:36 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa naganap na pamamaril sa bahay ng gobernador.

Nakikipag-usap ang gobernador ng mga 4Ps beneficiary sa harapan ng kanilang bahay ng dumating ang dalawang Sports Utility Vehicle (SUV) lulan ang hindi pa batid na dami ng gma suspek na nakasuot ng full battle gear at pagbabarilin ang gobernador at madamay pa ang ilang sibilyan.

Kinukompirma pa ang balita na ilang sibilyan na nadamay sa pamamaril ang nasawi habang sugatan si Governor Degamo at dalawang police escort nito.

Sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya sa posibleng pagharang sa mga tumakas na mga suspek habang naglagay na ng mga roadblocks ang pulisya sa mga posibleng daanan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

The post Negros Oriental governor inambus sa tapat ng bahay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT