Ilang netizens ang hindi natuwa sa pagiging ‘tahimik’ umano ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Rep. Claudine Bautista-Lim sa usapin ng jeepney phaseout.
Sa ibinahaging larawan ni FERDINANDAYA sa social media, nakalagay pa ang mga katagang “Sending prayers para magtrabaho ka naman.”
“Kinakatawan niya sa Kongreso ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Bakit ang tahimik nito sa issue ng #JeepneyPhaseout?” saad nito sa caption.
May hirit naman ang ilang netizens nasabing post.
“Isa lang sya sa mga pulitikong pinagkakakitaan ang partylist, front lang ang advocacy pero ang totoong habol ay allocated budget and a lucrative salary para magpasarap sa buhay.”
“Kawawa ang mga mahihirap, animoy natatakot at nabubusalan ang mga representantes natin”
“La kwenta, pasahurin lng ng bansa….. pakigalaw po ng baso kung andito kapa sa mundo”
(CS)
Kinakatawan niya sa Kongreso ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Bakit ang tahimik nito sa issue ng #JeepneyPhaseout? pic.twitter.com/M0BexrNA1H
— FERDINANDAYA (@Homeboy56581258) March 2, 2023
The post Netizens pinutakte pagiging ‘tahimik’ ni Claudine Bautista-Lim sa jeepney phaseout first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento