Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act, na magpapatibay sa isang OTOP program na magbibigay sa Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs) ng komprehensibong pagsuporta at hihikayat ng pansin para sa mga tinatawag na “untapped potential” ng mga lokal na produkto ng bawat bayan sa bansa.

“Ang MSMEs, na tinaguriang ‘backbone of Philippine economy’, ay may mahalagang papel sa pagpapausbong ng ekonomiya at paglikha ng mga trabaho, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, co-author at co-sponsor ng panukala.

“Kasunod ng pag-apruba natin sa OTOP Act, malapit na nating maisakatuparan ang ating layunin na palakasin pa ang mga MSME tungo sa pag-unlad ng mga kanayunan,” dagdag niya.

Layunin ng panukala, i-institutionalize ang isang OTOP program na magtataguyod ng mga MSME sa pamamagitan ng pagbuo at pagsulong ng mga lokal na produkto at serbisyo na kilala at nakaugat na sa kultura ng isang bayan o rehiyon sa bansa.

Batay sa mga pagtatantya gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority 2006 gross value added (GVA) para sa MSMEs bilang baseline, ang sektor ay nakapag-ambag na ng GVA na P2.3 trilyong piso noong 2021. Sa parehong taon, nagbigay din ang sektor ng 5.5 milyong trabaho o humigit-kumulang two-thirds ng kabuuang workforce ng bansa, sabi ni Gatchalian.

Samantala pinuri naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagpasa ng mga panukala na magsusulong sa pagbuo ng trabaho at proteksyon para sa kapakanan ng mga estudyante.

“We thank our colleagues for taking part in the passage of these measures which will make a big impact in the labor sector and improve the education system in the country,” pahayag ni Villanueva, co-author at co-sponsor din ng panukala.

“The passage of the OTOP Act of 2023 is a big step towards promoting Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sector which makes a big chunk of the business enterprises in the country,” dagdag niya.

Samantala, inapprubahan din sa Senado ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 1359 o “No Permit, No Exam” Prohibition Act at Senate Bill No. 1864 o Student Loan Payment Moratorium During Disasters & Emergencies Act na parehong inisponsoran ni Senador Francis Escudero. (Dindo Matining)

The post OTOP Philippines Act aprubado sa Senado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT