Suportado ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe ang pagrepaso sa Anti-Hazing Law (Republic Act 11053).

Ayon kay Dalipe, sa kabila ng mabigat na parusa na nakasaad sa RA 11053 ay nagpapatuloy pa rin ang hazing.

“John Matthew’s bright and promising future as a chemical engineer was snuffed out by the undeterred practice of hazing by our fraternities despite the harsh punishments provided under Republic Act 11053 or the Anti-Hazing Law,” sabi ni Dalipe.

Ang hazing victim na si John Matthew Salilig, isang chemical engineering student sa Adamson University ay isang ZamboangueƱo.

Bukod sa kaniyang panawagan sa mga may alam sa pangyayari na lumantad, hiniling ni Dalipe sa pamunuan ng mga paaralan na maging mapagmatyag at gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang fraternity hazing at tiyakin na ligtas ang mga estudyante sa anumang uri ng karahasan.

(Billy Begas)

The post Pagrepaso sa Anti-Hazing Law suportado sa Kamara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT