Nag-aalala ang mga nasa sektor ng aqua culture sa posibilidad na maapektuhan ang supply ng wild fry ng bangus dahil sa oil spill mula sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro.

Sa forum ng Tugon Kabuhayan nitong Martes, sinabi ni David Villaluz, Chairman ng Philippine Association of Fish Producers, Inc. na baka maapektuhan ang production ng bangus fry dahil nadaanan ng oil spill ang lugar na pinagkukunan ng bangus fry.

Wala naman aniyang gaanong direktang epekto sa aqua culture ang oil spill dahil bahagi ng aqua culture production and mga tinamaang lugar.

Pero ang concern aniya ng kanilang grupo ay ang mga tatamaang lugar ng bangus fry.

Sinabi ni Villaluz na nakakahuli ng bangus fry sa Anrique dahil dati itong pinagkukunan at isa sa mga nakitaan ng oil spill.

“Ang concern lang natin yung fry ng bangus na wild.. nakakahuli kami sa shoreline ng Antique, baka maapektuhan ho yung production, dati itong tradiional ng fry source natin,” ani Villaluz.

Batay aniya sa daloy ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Emoress, nadaanan ang baybayin ng Antique.

Maging ang lawa ng Naujan sa Oriental Mindoro aniya na pinagkukunan ng bangus fry ay baka maapektuhan kaya nangangamba sila sa posibleng pinsala ng oil spill sa bangus fry.

“Kung titingnan natin yung flow ng oil spill parang halos dumadaplis sa antique shoreline eh. Pero yung lake Naujan, dito nanggagaling yung Sabalo natin. So yung along the area na yan diyan dumadaan yung oil spill baka maapektuhan yung spawning at saka yung eggs nung sabalo (bangus) yan lang ho ang tingin kong makakapekto sa aqua culture that will be the supply ng wild fry ng bangus,” dagdag ni Villauz. (Aileen Taliping)#

The post Pangamba ng fish producers, bangus fry posibleng makompromiso dahil sa oil spill first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT