Nakipagpulong ang Partido Reporma sa medical practitioner at health advocate na si Dr. Willie Ong at kanyang asawang si Dr. Liza Ong sa isang pribadong hapunan sa Makati City.
Nakasentro ang talakayan sa mga posibleng pagtutulungan na naglalayong mapabuti ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.
Lalo na sa pangangailangang pahusayin ang accessibility at affordability ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, partikular sa mga rural area.
Ang party chairman at Davao del Norte representative na si Pantaleon “Bebot” Alvarez, na naging kampeon para sa mga hakbangin sa pangangalagang pangkalusugan sa kanyang lalawigan, ay nagpahayag ng pangako sa pagsusulong ng mga patakaran na magbibigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
“I firmly believe that access to quality healthcare is a basic right that all Filipinos should have. Through the Zero Billing Program, we have been able to provide our constituents with free medical services that they would otherwise not be able to afford. I am proud of what we have achieved in Davao Del Norte, and I am committed to working with other healthcare advocates to improve healthcare services throughout the country,” lahad ni Alvarez.
Pinuri ni Ong ang Zero Billing Program ni Alvarez at iminungkahi nito na maaaring magsilbi itong modelo para sa mas maraming probinsya sa bansa.
“The Zero Billing Program in Davao Del Norte is a good example of a healthcare initiative that prioritizes the needs of the people. It is heartening to see that Cong. Alvarez is committed to improving access to healthcare services in his province. I hope other provinces can emulate this program to provide more Filipinos with the medical care they need,” ani Ong.
Malugod na tinanggap ni dating Congressman Arnel Ty, na nagsisilbing Partido Reporma treasurer, ang mahahalagang pananaw ni Ong.
“Dr. Ong’s expertise in medicine and health advocacy, as well as his significant social media following, can help us further our mission to improve the healthcare system in the Philippines. We look forward to collaborating with him to make quality healthcare accessible and affordable to all Filipinos. This meeting is a significant step towards achieving our shared goal of ensuring that every Filipino has access to the medical care they need.”
Ang pulong ay dinaluhan nina Alvarez, dating LPGMA party-list Rep. Ty at Partido Reporma Secretary General Clint Aranas.
Kumakalat ang tsismis na maaaring sumali si Dr. Ong sa Partido Reporma matapos kumalat online ang larawan niya kasama sina Alvarez, Ty at Aranas.
Ang kanyang malawak na kaalaman sa medisina at pangangalagang pangkalusugan ay maaaring magdala ng bagong pananaw sa adbokasiya ng kalusugan at kagalingan ng partido at magresulta sa mas malalim na mga talakayan sa patakaran sa pangangalagang pangkalusugan.
The post Partido Reporma, Dr. Willie Ong sanib-puwersa para sa kalusugan ng Pinoy first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento