Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat na tumaas ang employment rate o mga nagkaroon ng trabaho sa bansa.
Sa kaniyang social media page, sinabi ng Pangulo na dumadami na ang mga nagkakaroon ng magandang trabaho kaya magpupursigi ang kaniyang gobyerno hanggang sa tuluyang makaahon sa kahirapan ang mga Pilipino.
“Padami ng padami ang nagkakaroon ng magandang trabaho. Tayo’y magpupursigi hanggang sa tuluyan na nating mawakasan ang kahirapan,” saad ng Pangulo.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na mula sa 93.6% unemployment rate noong Enero 2022 ay tumaas ito ng 95.2% ngayong mga unang buwan ng taon na nangangahulugang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong tambay o walang mga trabaho.
Ayon sa Pangulo, 4.1 milyong Pilipino ang nadagdag sa labor force at nagkaroon ng maayos na hanapbuhay.
“Bumaba pa lalo ang ating unemployment at underemployment at tumaas naman sa 95.2% ang atinf employment rate mula sa 93.6% noong Enero 2022,” dagdag ng Pangulo.
Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na sana ay magtuloy-tuloy ang magandang numero dahil marami aniyang mga dayuhang mamumuhunan ang interesadong magnegosyo sa bansa. (Aileen Taliping)
The post PBBM inspirado sa pagtaas ng employment rate sa bansa first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento