Maagang pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang economic managers sa ipinatawag na economic cluster meeting sa Malacañang ngayong Martes.

Batay sa inilabas na mga larawan ng Presidential Communications Office (PCO), kasama sa pulong sina Finance Secretary Benjamin Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Executive Secretary Lucas Bersamin at PCO secretary Cheloy Garafil.

Huling nagpulong ang economic cluster noong Pebrero kung saan tinalakay ang bahagyang pagbaba ng inflation.

Wala pang ibinigay na paunang impormasyon ang PCO kung ano ang agenda sa ipinatawag na pulong ng Pangulo.

Magkakaroon ng punong balitaan sa Malacañang pagkatapos ng pulong ng Pangulo.

Matatandaang tinalakay sa nakalipas na economic cluster meeting ang isyu sa inflation at ang pangangailangang umangkat ng fertilizers mula sa ibang bansa. (Aileen Taliping)

The post PBBM pinulong ang economic cluster ng gobyerno first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT