Magkakaroon lang ng tunay na kinatawan ang taumbayan sa constitutional convention (Con-con) kung ididiskuwalipika ang mga kamag-anak ng mga kasalukuyang pulitiko sa pagtakbo bilang delagado nito, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III.

“The con-con possibly may represent the people if we put some disqualifications there for relatives of incumbent politicians from running,” sabi ni Pimentel sa panayam sa ANC, sakaling lumusot ang Con-con bilang paraan ng pag-amiyenda ng Konstitusyon.

Paliwanag ng senador, walang malinaw na probisyon laban sa lekesyon ng malapit na kamag-anak bilang delegado ng House-approved na resolusyon na naglalayong baguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng Con-con.

“Unfortunately, it’s not clear in their version if they want to disqualify the membership in their con-con their relatives. Di pa naman final ‘yon,” ayon kay Pimentel.

“Let’s assume na yun po ang mananaig na procedure in amending the constitution or revising the constitution, we have to make sure, we have to put that, that close relatives – we just define what are close relatives- close relatives of the legislators, lahat kami, should be disqualified from running as con-con delegate,” dagdag niya.

Pero para kay Pimentel, mas mainam pa rin ang constituent assembly bilang pamamaraan sa pag-amiyenda ng 1987 Constitution dahil mas praktikal umano ito.

“If we want to be practical about it, we can go for the constituent assembly mode,” ani Pimentel. (Dindo Matining)

The post Pimentel: Kamag-anak ng mga politiko ipagbawal sa Con-Con first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT