Isang 27-anyos na Fil-Am sa California ang namatay matapos umanong barilin ng kanyang partner sa harap mismo ng dalawa nilang anak.
Ayon sa report sa Yahoo News, kinilala ang biktimang si Frances Kendra Lucero.
Nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at ang suspek na si Romier Narag, 27, nang pauwi na sa kanilang bahay mula sa family dinner sa Daly City noong Marso 6.
Nauwi ito sa pagbaril umano ni Narag kay Lucero sa harap ng 3-anyos at 4-anyos nilang anak.
Nagtamo si Lucero ng apat na tama ng bala.
Kinasuhan na si Narag ng murder at child endangerment. (IS)
The post Pinay sa California pinagbabaril sa harap ng 2 anak first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento