Umalalay ang Philippine Port Authority (PPA) sa mga survivor mula sa nasunog na M/V Lady Mary Joy sa Basilan.
Nagpaabot agad ang PPA ng tulong sa mga survivors gaya ng kape, pagkain, at masisilungan katuwang ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG).
Sa nakarating na ulat kay PPA General Manager Jay Santiago umabot na sa sampung pasahero na sakay ng M/V Lady Mary Joy 3 ang nasawi.
Napag-alaman na naitawid na sa Baseport Zamboanga ang apat na bangkay mula sa pinangyarihan ng insidente at kasalukuyang itatawid pa ang anim na bangkay.
Matatandaang nasunog kahapon ng alas-10 ng gabi, ika-29 ng Marso 2023 ang nasabing vessel.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog na ikinasawi ng sampu pasahero.
The post PPA sumaklolo sa mga survivor ng nasunog na barko sa Basilan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento