Mapapa-sana all ang netizens sa isang pulubi dahil araw-araw sa hotel siya natutulog.
Sa TikTok post ni Chinita, makikita ang panayam sa pulubing si Kuya Jerry na taga-Cebu.
Kumikita umano si Kuya Jerry ng 1,500 kada araw.
Kuwento niya, 2021 nagtrabaho siya sa Makati at kalaunan ay nag-resign.
Naubos daw ang pera at lahat ng ari-arian niya, at napunta sa panlilimos.
Ibinida rin niya ang resibo bilang patunay na araw-araw siyang nagho-hotel dahil sa malaking kita niya sa panghihingi ng datung.
Saad pa niya, kaya niyang bumuhay ng pamilya sa panlilimos lamang. (IS)
The post Pulubi araw-araw sa hotel natutulog first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento