Nagpositibo sa toxic red tide na lampas sa regulatory limit ang ilang bahagi ng karagatan sa Bohol, Zamboanga del Sur, at Surigao del Sur.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes, ang mga shellfish na nakolekta mula sa mga tubig ay positibo pa rin para sa Paralytic Shellfish Poison (PSP).

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” saad ni BFAR Director Atty. Demosthenes Escoto sa isang shellfish bulletin.

Gayunpaman, ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin basta ito ay nilinis at hinugasang maigi.

(STN)

The post Red tide naiulat sa Bohol, Zamboanga del Sur, Surigao del Sur first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT