Isinusulong ni Senador Robin Padilla na dagdagan ng kapangyarihan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pag-apruba at pagbawal sa distribusyon ng mga pelikula, programa sa telebisyon at publicity materials na nagpapahayag ng “national, racial or religious hatred.”
Inihain ni Padilla, chair ng Senate public information and mass media committee, Senate Bill No. 1940, na naglalayong palakasin at palawakin ang mandato, kapabilidad at organization structure ng MTRCB sa pamamagitan ng pag-amyenda ng Presidential Decree No. 1986.
Ang PD No. 1986 ba nilagdaan noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay ang pagtatag ng MTRCB bilang isang ahensya na siyang nagkokontrol sa pagpapalabas sa publiko ng mga motion picture o pelikula, mga programa sa telebisyon at publicity materials.
“Almost 40 years since its creation, MTRCB proves to be bereft of the opportunity to address the changing demands of our time because of its limiting jurisdiction, organizational structure and operational competence,” paliwanag ni Padilla sa panukala.
“It also lacks enabling powers to cover potent types of visual media that have proliferated in many forms, including online streaming platforms, on-demand streaming services and even video games,” dagdag pa niya.
Kung magiging batas, magbibigay ito ng karagdang tungkulin sa MTRCB na mag-apruba at magbabawal sa pamamahagi ng “movies, television programs and publicity materials” na nagpapahayag na national, racial at religious hatred.
“Among those that may be used by the MTRCB as grounds to disapprove or prohibit the distribution of movies, television programs and publicity materials will likewise include those deemed dangerous “for the protection of national security, public order or public health,” sabi sa panukala.
Papalawakin din ang sakop ng regulatory body sa content, lokal man ito o imported na ipinapalabas sa mga online platforms, on-demand streaming services at iba pang katulad na teknolohiya.
(Dindo Matining)
The post Robin: MTRCB dagdagan ng pangil first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento