Mas magiging madali na umanong malalaman ng publiko ang ginagawa ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa tulong ng eCongress, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa speech na binasa ni dating Pangulo at incumbent Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa launching ng eCongress sa National Museum, nagpahayag din ng kumpiyansa si Romualdez na mahihikayat ang publiko na makilahok sa paggawa ng batas sa tulong ng eCongress.
Ayon kay Romualdez nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 2022 ang pangangailangan na ma-digitalize ang gobyerno upang maging mabilis ang palitan ng mga datos ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“In response to this call, the House of Representatives, along with the Senate, now jointly establish and maintain an integrated and secure digital legislative management system for the Congress of the Philippines,” sabi sa speech ni Romualdez.
Dagdag pa ni Romualdez, “e-Congress will also provide updates on the status of bills, and resolutions and report legislative undertakings to inform the public and encourage citizen participation.”
Bukod sa mas magiging mabilis at simple ang proseso sa pagitan ng Kamara at Senado, sinabi ni Romualdez na mas magiging transparent din umano at magiging sa katiwalian ang eCongress.
“It is our vision to make eCongress a key contributor in modernizing our core legislative processes towards a people-centered legislative governance and in enhancing our adherence to the democratic principles of transparency, accountability, and responsiveness,” dagdag pa ni Romualdez.
Pinasalamatan ni Romualdez ang mga tauhan ng Senado at Kamara sa kanilang pagsusumikap upang mabuo ang eCongress project. (Billy Begas)
The post Romualdez: eCongress gagamitin para malaman ng publiko ginagawa ng Kongreso first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento