Ninakaw ng isang scammer na nagpanggap na DSWD officer ang P50,000 na donasyon para sa cojoined twins na supling dalawang araw matapos maipanganak ito sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, Davao del Norte.
Sa pahayag ng kanilang tatay na si Justen Rosello, tinulungan sila ng netizens sa Facebook na makalikom ng pera para pampagamot sa kaniyang anak.
Matapos ito, may bigla na lang tumawag sa kanila at nagsabing sila ay mula sa DSWD at hiningi sa kanila ang OTP sa mobile wallet.
Pinangakuan sila ng ng pinansyal na suporta at libreng operasyon sa bata kapag ibinigay nila ang kanilang donasyon ngunit hindi na matawagan ito matapos ang pangyayari.
Ipinagpauna na rin ng kanilang doktor na walang katiyakan ang buhay ng cojoined twins dahil isa lang ang kanilang puso at mahina na rin ito.
Nanawagan naman ang tatay ng kahit kauting tulong para sa kanyang mag-ina.
Samantala, hinihintay pa ang pahayag DSWD Regional Office bilang tugon sa pangyayaring ito.
(Jan Terence)
The post Scammer na nagpanggap bilang DSWD officer, tinangay donasyon para sa cojoined twins first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento