Palalawigin ang oras ng operasyon ng mga train ngayong Lunes upang saluhin ang mga pasaherong maapektuhan ng transport strike na inilarga ng ilang transport groups.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tiniyak sa Palasyo ni Department of Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez na nahanda ang Philippine National Railways (PNR), Metro Rail Transit 3 (MRT3) at Light Rail Transit Lines 1 at 2 na mag-extend ng kanilang operasyon .
Ayon kay Chavez, nagdagdag ang PNR ng 14 na biyahe ngayong March 6, habang ang serbisyo ng MRT 3 ay palalawigin hanggang alas-diyes ng gabi mula sa dating 9:30 pm.
Sinabi ng PCO na nakahanda ang gobyerno sa mga ipapatupad na hakbang upang hindi mahirapan ang mga commuter sa kanilang pagpasok at pag-uwi sa trabaho.
Nakabantay ang Palasyo sa mga magiging kaganapan sa unang araw ng transport strike ng ilang grupong tutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Tatagal umano ng isang linggo ang inilargang tigil-pasada ng ilang transport groups. (Aileen Taliping)
The post Serbisyo ng mga train palalawigin ngayong Lunes para hindi mahirapan ang mga maapektuhan ng welga first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento