Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video kung saan makikitang sinasaktan at sinisipa ng ilang kalalakihan si Tekashi 6ix9ine, isang sikat na rapper sa Amerika.
Makikita sa video na nasa banyo si Tekashi habang ito ay hindi makalaban sa ilang kalalakihan na binubugbog siya.
Nangyari umano ang insidente sa LA Fitness sa southern Florida.
Nagpapagaling naman na umano ngayon ang rapper, ito ay ayon sa kaniyang attorney na si Lance Lazzaro.
“Police in South Florida were called and he was transported via ambulance to a local hospital.”
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na umano ng mga awtoridad ang nasabing insidente.
(CS)
6ix9ine got jumped in LA Fitness bathroom, he was rushed to the hospital | #ONLYinDADE pic.twitter.com/PjxHAXD6Ft
— ONLY in DADE (@ONLYinDADE) March 22, 2023
The post Sikat na rapper, bugbog-sarado sa isang gym first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento