Nakatanggap ng tawag si Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves noong Lunes ng gabi mula sa hindi batid na lokasyon.
“He expressed fear for the safety of his person and his family, saying this is the reason why he refuses to return home at this time,” sabi ni Romualdez.
Tiniyak naman ni Romualdez kay Teves na bilang lider ng Kamara ay gagawin nito ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng Kamara.
“In fact, I have ordered the House Sergeant-at-Arms to coordinate with law enforcement agencies and prepare appropriate security arrangements for his return,” dagdag pa ni Romualdez.
Muli ring inulit ni Romualdez ang kaniyang apela kay Teves na umuwi na sa bansa lalo at expired na ang travel authority na ibibigay sa kaniya ng Kamara.
“Gusto rin naming marinig sa Kongreso ang panig niya. Kung may kaso man siyang kailangang harapin, dapat niya itong harapin. Dito sa loob ng bansa, at hindi sa labas,” giit ni Romualdez. (Billy Begas)
The post Speaker Romualdez: Teves natatakot sa kaligtasan nito at kanyang pamilya first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento