Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagsuporta ng Kamara de Representantes sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatibay umano sa kapayapaan at katatagan ng bansa.
“The House of Representatives is committed to modernize the Armed Forces of the Philippines as it is crucial to our nation’s sovereignty and security,” sabi ni Romualdez sa HOR-AFP fellowship series (Visayas leg) na ginanap sa Cebu City noong Huwebes ng gabi.
Dumalo sa pagtitipon ang mga miyembro ng Kamara at mga matataas na lider ng AFP sa pangunguna ni Chief of Staff Gen. Andres Centino.
“Our military should be equipped with the latest technological advances and training to respond to the continuing threats that we face,” sabi pa ni Romualdez.
Iginiit ni Romualdez na kung wala ang kapayapaan ay hindi uunlad ang bansa kaya mahalaga ang papel na ginagampanan ng AFP upang mapanatili ito.
Sinabi rin ni Romualdez sa mga dumalo na naratipika na ng Kamara ang panukala na mag-aamyenda sa Republic Act 11709, ang batas na nagtatakda ng fixed term sa mga piling opisyal ng AFP.
Kumpiyansa si Romualdez na makatutulong ang panukalang ito upang mas mapatatag ang propesyunalismo sa AFP.
“A regular turnover of leadership, (which) is essential to maintaining a healthy and professional Armed Forces that is accountable to the people it serves,” dagdag pa ni Romualdez. “Regular turnover can ensure that new ideas and perspectives are constantly being introduced and that there is a healthy culture of competition and meritocracy within the Armed Forces.”
Ang fellowship sa Cebu City fellowship ay kasunod ng HOR-AFP fellowship-Luzon leg na ginanap noong Disyembre. (Billy Begas)
The post Speaker Romualdez tinukuran AFP modernization first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento