Paparating na umano ang tag-init sa bansa, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
“Nalalapit na po ang pagtatapos ng amihan season at maaaring sa susunod na linggo hanggang sa mga huling araw ng Marso ay magsimula na ang tinatawag natin na warm, dry season o tag-init sa Pilipinas,” ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja.
Patuloy umano na humihina ang malamig na amihan o northeast monsoon at lumalapit naman sa bansa ang easterlies o mainit at maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean.
(CS)
The post Tag-init nalalapit na – PAGASA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento