Masayang masaya si Sandara Park sa ibinuhos na suporta ng kanyang Pinoy fans para sa kanyang darating na solo album.

“Thank you Phillippines sa lahat ng articles bout my upcoming solo album!!! it’s too soon but still thank you for the attention and love for me,” pahayag niya sa Twitter.

“Sana pag nakarelease na album ko, sulat nyo ulit bout it hehe,” dagdag pa niya.

Agad naman nag-reply sa kanyang tweet ang mga Pinoy fans niya na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“YOU WILL FOREVER BE LOVED HERE, KRUNG-KRUNG!!!”

“Congrats po, Ate Dara! We love and miss you po!!!”

“Across all generations and the whole country will be right there behind you. Dahil palagi mo kami mahal, you deserve our endless and outpouring love.”

Ito ang unang solo album ni Sandara matapos ang kanyang 2NE1 debut noong 2019.

(Jan Terence)

The post ‘Thank you for the love’: Sandara Park nagpasalamat sa suporta ng Pinoy fans first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT