Itinanghal ng Guinness World Records na most popular artist in the world si The Weeknd.

Sa kasalukuyan, ang 33 taong gulang na Canadian singer ay may pinakamadaming monthly listeners sa Spotify, 111.4 milyon.

Sumunod naman sa kaniya sa mga naitalang monthly listeners ay sina Shakira na may 81.6 milyon na listeners, Ariana Grande na may 80.6 milyon, Taylor Swift na may 80.2 milyon at Rihanna na may 78.5 milyon.

Siya rin ang kauna-unahang artists na nakaabot ng 100 milyon listeners.

Si The Weeknd ang nagpauso ng mga awitin na ‘Die For You’, ‘Starboy’, ‘Blinding Lights’, ‘Save Your Tears’ at ‘Call Out My Name’.

(CS)

The post The Weeknd itinanghal na most popular artist ng Guinness World Records first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT