Nagpasya ang World Athletics Council na ipagbawal ang mga transgender woman sa mga pambabaeng track and field event sa kadahilanang mayroon silang hindi patas na bentahe sa kompetisyon.
Inanunsyo ito ni World Athletics president Sebastian Coe nitong Huwebes.
Ani Coe, walang transgender woman athlete na dumaan sa pagbibinata ang papayagang makipagkumpetensya sa mga female world ranking competition simula Marso 31.
Aniya, komunsulta ang World Athletics sa mga stakeholder, kabilang ang 40 national federations, International Olympic Committee at mga trans group tungkol sa isyu ng mga transgender athlete.
Majority umano ang pumabor na ang mga transgender na atleta ay hindi dapat nakikipagkumpitensya sa female category.
“Many believe there is insufficient evidence that trans women do not retain advantage over biological women and want more evidence that any physical advantages have been ameliorated before they are willing to consider an option for inclusion into the female category,” ani Coa sa report sa Channels TV. (IS)
The post Transgender bawal na sa pambabaeng athletics first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento