Para maiwasan ang brownout at iba pang problemang nakakaapekto sa kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad, naghain si Senador Idol Raffy Tulfo ng panukalang batas para sa agarang pagtugon sa mga emergency service requests na may kinalaman sa critical infrastructure.
Si Tulfo, na Chairperson ng Committee on Energy, ay naghain ng Senate Bill (SB) No. 1882 na naglalayong siguraduhin ang katatagan at seguridad ng mga kritikal na imprastraktura.
Kabilang sa mga critical infrastractures ang mga pasilidad, network, at system na sumusuporta sa mga pangunahing serbisyo tulad ng power generation at distribution, supply ng tubig, transportasyon, komunikasyon, pangangalagang pangkalusugan, at mga serbisyong pinansyal.
“Critical infrastructure is vulnerable to various threats, including natural disasters, accidents, cyberattacks, and intentional acts of violence,” nakasaad sa explanatory note ng bill.
“Disruptions to critical infrastructure can have significant consequences which can negatively impact public safety, national security, and the overall well-being of the population,” dagdag dito.
Sa ilalim ng kanyang panukalang batas, ang lahat ng mga provider ng mga critical infrastructures ay kinakailangang tumugon sa loob ng dalawang oras mula nang maganap ang emegergency service requests.
May multang P100,000.00 hanggang P1,000,000.00 ang hindi susunod sa nasabing panukala. (Dindo Matining)
The post Tulfo, tinulak ang mabilis na pagresponde sa critical infrastructure emergency service requests first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento