Maaari umanong gamitin ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa paglilinis ng mga lugar kung saan na napadpad ang langis na tumagas mula sa MT Princess Empress.

Ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro, maaaring gamitin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE para matugunan ang problemang dala ng oil spill at para matulungan ang mga nawalan ng trabaho.

Ang TUPAD ay isang programa ng gobyerno kung saan binibigyan ng emergency employment ang mga walang trabaho.

“It is time for us to unite in bayanihan and be aggressive in containing and cleaning up the oil spill. I am sure the people in our district as well as the rest of Batangas, the islands of Mindoro, Romblon and nearby provinces, would volunteer and work to save the Verde Island Passage,” sabi ni Luistro.

Itinutulak ni Luistro, vice chairperson ng House Committee on Tourism na ideklarang ecotourism zone ang Verde Island Passage na hitik sa yamang dagat.

“We need everyone’s help to clean up and contain this oil spill. We need to preserve this wealth of marine resources, highly diverse coral reefs, pristine waters, mangrove forests, seagrass meadows and coastal environs in the Verde Island Passage,” dagdag pa ng lady solon. (Billy Begas)

The post TUPAD ng DOLE gamitin sa oil spill cleanup first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT