Hindi lamang proteksyon ng kababaihan laban sa karahasan at lahat ng uri ng pang-aabuso ang equality at women empowerment, kundi pati na rin ang oportunidad na kumita at maibigay ang kailangan ng kanilang pamilya, ayon kay Senadora Cynthia Villar.
“I believe that when we empower women, we also empower families, the society and generations of people. who will contribute towards nation-building,” sabi ng senadora.
Sa 18th Provincial Women’s Summit sa Bukidnon, sinabi ni Villar na hindi na uubra na lalaki lang ang breadwinner ng pamilya.
“During these times, women are the equal of men and are considered vital contributors to economic growth and in building an inclusive society,” pahayag ni Villar sa naturang pagtitipon na may temang ‘WE for Gender Equality and Inclusive Society.’
“Needless to say, economically empowered women can augment their family’s income, contribute for food on the table, and help raise and send their children to school. And these well-raised and educated children will then be the future and welcome assets of our nation,” dagdag pa niya.
Bilang mambabatas, inilatag ni Villar ang mga batas na nagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.
Ang mga ito ay ang sumusunod: RA 11313 or the Safe Spaces Act (or “Bawal Bastos”Law), RA 9710 (Magna Carta of Women), RA 11210 (Expanded Maternity Leave Law), RA 6725 (Prohibition on Discrimination Against Women),RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) at RA 7882 (Act Providing Assistance to Women in Micro and Cottage Business Enterprises).
Kabilang din dito any RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995), RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997), RA 8505 (Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998) at RA 6949 (National Women’s Day Act) na nagdedeklara sa March 8 kada taon na “special working holiday. ”
Ipinagmalaki ng senador ana kilalang advocate ng women empowerment na ‘dominant force’ ang mga babae sa lahat ng kanyang itinayong livelihood enterprises . (Dindo Matining)
The post Villar: Hindi puwedeng lalaki lang ang breadwinner sa pamilya first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento