Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang pagsusumikap ng mga taga-Alaminos City upang mai-angat ang kanilang lugar bilang isa sa katangi-tanging yaman ng bansa.
“Let me commend your commitment and dedication that enables you to rapidly revive a culture of high spirit and regain your sense of pride and shared belief in creating positive outcomes through community efforts,” sabi ni Duterte sa pagdiriwang ng Alaminos City Hundred Islands Festival ngayong Linggo.
Ang Hundred Islands National Park ay isa sa mga natatanging natural wonder at pangunahing tourist destinations sa Asya.
“Your celebration of the Hundred Islands Festival is a strong example of our need for collective cultural joy that functions as a gateway for national tourism and an opportunity to continually foster innovative ideas that positively infuse the local economy,” dagdag pa ni Duterte.
Sinabi ni Duterte na ang pagpapanatili ng mga national heritage ay hindi lamang nakakaakit ng mga turista kundi nagpapalakas din ng lokal na ekonomiya na napakikinabangan ng mga residente.
Inalok naman ni Duterte ang mga taga-Alaminos ng sumali sa Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) project na naglalayong tulungan ang mga kababaihan at mga miyembro ng LGBTQI+ na magkaroon ng dagdag na kita.
Ang MTD livelihood program ay isa sa mga programa ni Duterte noong siya ay mayor pa ng Davao City. Nang manalo ay dinala nito ang programa sa OVP upang maipatupad sa buong bansa.
(Billy Begas)
The post VP Sara namangha sa Hundred Islands first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento