Nasabat ang iba’t ibang frozen food product na walangsanitary clearance nang salakayin ang pitong bodega sa Navotas City.

Kabilang sa mga nasamsam ay ang baboy, manok, at isda tulad ng pompano.

Ayon sa ulat ng Saksi, isinagawa pagsalakay matapos makakuha ng tip ang mga awtoridad na mayroong mga cold storage facility sa lugar na walang permit.

“Karamihan ng meat products na nakita natin dito walang sanitary sanitary clearance tong mga ito and at the same time we believe smuggled lahat ito,” ani Agriculture Assistant Secretary James Layug.

“Dadaan sa forfeiture proceedings then pag na forfeit iko-condemn sisirain natin tong mga to,” dagdag pa nito.

(STN)

The post Walang clearance: Mga frozen product nasamsam sa Navotas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT