Patay ang isang Chinese sa nangyaring banggan ng dalawang barko sa karagatan malapit sa isla ng Corregidor.
Ayon sa incident report ng Philippine Coast Guard (PCG) nangyari ang insidente nitong Biyernes kung saan nagkatama ang MV Hong Hai 189 at MT Petite Soeur.
Ang MV Hong Hai ay tumaob, kung saan 16 sa 20 crew ng naturang barko ang na-rescue na.
Ngunit sa kinasamaang palad ay isang Chinese crew ang nasawi, na-recover na ang katawan nito.
MAIN PHOTO FROM PHILIPPINE COAST GUARD
Patuloy pa ring hinahanap ang tatlo pang tao na nawawala dahil sa naturang insidente.
Samantala, lahat naman ng crew ng MT Petite Soeur ay nasa maayos na kalagayan.
Nagsasagawa na ng aerial survey ang mga tauhan ng Coast Guard Aviation Force para sa search and rescue operations sa mga nawawala pang crew member. (RP)
The post 2 barko banggaan sa Corregidor, 1 Chinese todas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento