Dalawang Civil Engineering graduates ang nakakuha ng top spot sa April 2023 Civil Engineer Licensure Examination, ito ay ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).
Ito ay si Garret Wilkenson Ching Sia mula sa De La Salle University – Manila at Alexis Castillo Alegado mula sa Mariano Marcos State University – Batac, na parehas mayroong 92.10 percent rating.
Tinatayang nasa 5, 887 ang nakapasa mula sa 16,936 na sumubok ng nasabing exam.
Isinagawa ang exam sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Top performing school naman ang De La Salle University – Manila na mayroong 88.99% passing rate at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na may 81.52% passing rate.
(CS)
The post 2 Civil Engineer grads pinaghatian top spot sa April 2023 licensure exams first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento