Tinatayang tatlong Pinoy ang nasawi at lima naman ang nasaktan matapos ang nangyaring sunog sa food factory sa Taiwan.
Kinilala ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chair Silvestre Bello III ang mga nasawi na sina Renato Larua mula sa Cavite, Nancy Revilla mula sa Marinduque at Aroma Miranda mula sa Tarlac.
Nasabi naman na rin umano sa pamilya ng mga nasawi ang nangyaring insidente.
“My heart goes out to them in their hour of extreme sorrow,” wika ni Bello.
Ayon kay Bello, nagsimula umano ang sunog bandang alas-sais ng umaga noong Martes sa second floor ng Lian-Hwa Foods Corporation sa Changhua county sa central Taiwan.
Ang limang nasaktan naman sa nasabing sunog ay sina Sheila May Abas, Jessie Boy Samson, Maricris Fernando, Rodel Uttao at Santiago Suba Jr.
Lahat naman umano ng mga nasabing nasaktan ay nasa maayos na kondisyon maliban na lang kay Fernando na nasa intensive care unit (ICU), ayon kay Bello.
(CS)
The post 3 Pinoy dedo matapos ang sunog sa food factory sa Taiwan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento