Pinalawig ng Ako Bicol party-list, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co ang Solar Powered Water Supply System program sa Bicol region upang mas maraming residente ang magkaroon ng suplay ng malinis na tubig.

Bukod sa itinatayong water system sa Barangay Añog, Juban sa Sorsogon, dinala rin ng Ako Bicol ang programa nito sa Barangay Coro-Coro, Libjo, at Tiwi Central School.

“I believe that access to clean water is a basic human right that should be available to every citizen, regardless of their social status or economic background. That is why we at Ako Bicol Party List are committed to bringing aid and assistance to our fellow Bicolanos through our Solar Powered Water Supply System program,” sabi ni Co.

Mayroon na ring itinayong solar water system sa Taysan Elementary School sa Taysan, Legazpi City, at Barangay Tumpa sa Camalig, Albay.

Ang proyekto ay resulta ng pagsasanib-puwersa ni Co at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Co nananatiling ang dedikasyon ng Ako Bicol na mapabuti ang buhay ng mga residente sa rehiyon. (Billy Begas)

The post Ako Bicol party-list pinarami solar-powered water supply system first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT