“Naiiyak na ako!” — ‘yan na lang ang nasabi ng suspendidong Negros Oriental congressman na si Arnie Teves dahil sa pag-uusisa ng journalist na si Karen Davila.
Sa ‘Headstart’ ng ANC, kinuwestiyon ni Davila si Teves kung bakit hindi ito umuwi sa Pilipinas at humarap sa Kongreso kung tunay na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
“Why didn’t you behave a the way a lawmaker should?” tanong ni Davila.
“You should have shown up in Congress, reported to the Speaker, right? Because as you claim, you’re innocent,” dagdag ni Karen.
Tila hindi ito nagustuhan ni Teves at emosyonal na sinagot ang journalist.
“Ano bang mahirap intindihin sa papatayin ka? Ano bang mahirap intindihin don?” giit ni Teves.
@ynnez5254 #fyp #foryoupage #fypage #fyppppppppppppppppppppppp #karendavila #ancnews #ctto #videonotminecredittotheowner ♬ original sound – Aquarians73
Nang tanungin naman si Teves kung sinong gustong magpapatay sa kanya, sinabi ng kongresista na hindi niya raw pwedeng sabihin dahil mala-libel daw siya.
Pero ayon kay Teves, dalawang mataas na opisyal ng gobyerno raw ang nagtatangka sa kanyang buhay.
Sa ngayon ay hindi pa isinasapubliko ni Teves kung saang bansa siya namamalagi.
(RP)
The post Arnie Teves naiyak sa tanong ni Karen Davila first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento