Ibinahagi sa Facebook ng isang netizen na si Sir Nonito Guitar Tutorial ang kaniyang karanasan matapos habulin ng isang manok.

Sa simula pa lang ng video ay makikita na ang agresibong manok at mabilis na hinabol ang lalaki.

Mabilis naman na tumakbo ang lalaki habang ito ay natatawa pa. Hindi naman naabutan ng manok ang lalaki matapos nitong makaakyat sa mataas na pwesto.

Ngunit nang tila hahabol na muli ang manok, mabilis na bumaba ang lalaki at napatakbo na sa kaniyang bahay.

“Sabi-sabi dito na every afternoon lumalabas ang manok na ito at gumagala. Nanghahabol daw ito ng tao, kaya sunubukan ko. Ayan tuloy nagkandahingal ako ng takbo. Hahaha!” saad sa caption ni Sir Nonito Guitar Tutorial.

Sa kasalukuyan, umabot na sa lagpas isang milyon ang nakapanood sa nasabing video. (CS)

The post Aso yarn? Netizen napatakbo matapos habulin ng manok first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT