Pinaghahanda ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Bureau of Animal Industry (BAI) para sa pagsasagawa ng malawakang bakunahan laban sa African Swine Fever (ASF) upang maiwasan ang kakapusan sa suplay at pagtaas ng presyo ng baboy.

Ayon kay Villafuerte, mayroon ng mga lokal na agribusiness company sa bansa na nagsasagawa ng field trial ng bakuna na ginawa sa Vietnam noong nakaraang taon.

“The BAI should weigh the feasibility of implementing a nationwide anti-ASF drive to help especially the backyard raisers to save their animals—and stave off another undue spike in pork prices that could further drive up the already elevated inflation,” sabi ni Villafuerte, pangulo ng National Unity Party.

Sa ulat ng BAI noong Marso 27, lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Metro Manila ay mayroong kaso ng ASF.

“Another rocketing of pork prices is the last thing that the government, the hog industry and Filipino consumers need at this point when the President’s economic team has been grappling with the stubbornly elevated inflation, which economists and analysts fear could undermine our economy’s strong rebound from the pandemic and the country’s future high-growth prospects,” dagdag pa ni Villafuerte.

Matapos magsagawa ng konsultasyon, sinabi ng National Livestock Program (NLP) na maaaring magsimula ang pagkakaroon ng kakapusan sa suplay ng karne ng baboy ngayong buwan kung walang gagawing hakbang upang madagdagan ang suplay.

Sinabi ni Villafuerte na dapat handa ang BAI na magsagawa ng malawakang bakunahan kapag pinayagan na ang Vietnam ang pagbebenta ng bakuna na gawa ng AVAC Vietnam Joint Stock Co.

“Only an inoculation program could contain ASF in the short term and prevent future outbreaks, which, in turn, would prevent supply shortfalls that could trigger price spirals and the consequent higher inflation,” sabi pa ng mambabatas.

Ayon kay Villafuerte, malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo ng baboy sa overall inflation rate ng bansa. (Billy Begas)

The post BAI pinaghahanda sa nationwide bakunahan laban sa ASF first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT