Binigyang-diin ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kailangan ng malakas na batas laban sa private armies at parusang kamatayan naman para sa mga security personnel na nasasangkot sa mga kalunos-lunos na krimen.
Ginawa ni Dela Rosa ang rekomendasyon isang linggo matapos pangunahan ang Senate public order and dangerous drugs committee investigation sa pagdinig sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at serye ng pagpatay sa Negros Oriental.
Bukod sa bagong batas laban sa private armies at tiwaling security aides, sinabi ni Dela Rosa na kailangan ding amiyendahan ang ilang batas na pipigil sa political killings sa bansa.
Kabilang dito ang pag-amyenda sa Omnibus Election Code, partikular ang probisyon sa mga nuisance candidate.
Baguhin din ang Local Government Code para matiyak na ang mga itatalagang provincial director ay dapat kakampi ng Philippine National Police at hindi ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Maliban diyan, nais din ni Dela Rosa na magkaroon ng policy reform sa istriktong regulasyon sa pagbenta at paggamit ng militar ay police uniforms, pagtutok sa mga natanggal sa serbisyo ng mga military personnel, pag-imbentaryo ng loose firearms at pag-update ng PNP Standard of Procedures sa pagtugon sa reklamo ng mamamayan.
“As always, we emphasize that this is in aid of legislation. Paano ba makakatulong ang Senado? Anong mga polisiya ang kailangang gawin at anong batas ang kailangan nating amyendahan?” sabi ni Dela Rosa, dating PNP chief. (Dindo Matining)
The post Bato: Kailangan ng malakas na batas vs private armies first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento