Ayon sa pahayag ni Senador Bato Dela Rosa, imposible na umanong makausad sa Senado ang Charter Change na isinusulong ngayon ni Senador Robinhood Padilla.

Kulang umano sa suporta ng mga Senador at Palasyo ang naturang panukalang pagbabago sa kasalukuyang institusyon.

“Very clear ang stand ng mga kasamahan nila sa Senado at ng Malacañang na hindi nito suportado ang Charter Change,” saad ni Bato.

Samantala, hindi naman umano naging sayang ang usapin sa pagsulong nito dahil nabuksan naman ang pagtalakay sa probinsyon ng ekonomiya ng bansa.

(Jan Terence)

The post Cha-Cha imposible nang makausad sa Senado – Senador Bato first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT